Isang cake shop sa Tondo, nasunog

36

Nasunog ang isang tindahan ng cake sa may bahagi ng Alvarado Extension, La Torre Street, Brgy. 259, sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog alas-2:00 ng madaling araw.


Halos 30 minuto tumagal ang sunog bago tuluyang naapula kung saan umabot lamang ito ng unang alarma.

Wala naman nadamay na katabing bahay dahil sa nagtulong-tulong ang mga residente para maapula ang apoy bago dumating ang mga bumbero.

May ilan namang nagta-trabaho sa nasabing tindahan ng cake ang bahagyang nasugatan dahil sinikap nilang lumabas sa bintana kahit na medyo may kataasan ito.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang may-ari ng tindahan ng cake habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok.




Facebook Comments