Isang Cebuano, dapat italaga sa team ni Cimatu na tumutugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Cebu

Inirekomenda ni Senate President Tito Sotto III ang pagtatalaga ng isang Cebuano sa team ni Department of Environment Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na siyang nakatututok ngayon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Cebu.

Ayon kay Sotto, mahusay naman si Cimatu, pero mas mainam kung may dugong Cebuano sa grupo nito katulad ni Erik Espina na kabisado ang Cebu.

Malaki aniya ang maitutulong nito sa ginagawang pagsusumikap ng pamahalaan na mapigilan ang paglaganap ng virus sa naturang syudad.


Plano ni Sotto na kausapin hinggil dito si Finance Secretary Sonny Dominguez o si IATF Chief Implementer Secretary Carlio Galvez Jr.

Facebook Comments