Isang Chinese National na dinukot ng kapwa Chinese Nationals, nasagip sa Maynila

51

Nasagip ng Manila Police District (MPD) Station 9 ang isang Chinese Nationals na dinukot ng apat (4) niya kapwa Chinese National sa Maynila.

Nakilala ang biktima na si Xu Qixiang habang ang mga suspek ay kinilalang sina Chen Jian Bing, Zheng Hun Zhe, Cai Rong Hui at Lu Zeng.


Unang nagreport sa Sta. Mesa Police Station ang ginang na si Zhong Adela na isang Filipino-Chinese kung saan sinabi nito na ang kaniyang kaibigan ay dinukot at dinala sa isang restaurant na matatagpuan sa Pedro Bukaneg St. sa Malate, Manila.

Nakipag-ugnayan ang Sta. Mesa Police Station sa Malate Police Station na agad naman pinuntahan ang nasabing restaurant at nasa kote ang mga suspek habang naligtas naman ang biktima.

Nabatid na humihingi ng kalahating milyong piso ang mga suspek sa pamilya ng biktima na nasa China.

Sa ngayon, inihahanda na ang mga kaso laban sa mga suspek at nakikipag-ugnayan na rin ang MPD sa Bureau of Immigration para makuha ang iba pang impormasyon ng apat (4) na Chinese Nationals.




Facebook Comments