Isang company driver, natagpuang wala ng buhay sa Marikina City

69

Pinaniniwalaang nasawi dahil sa sakit na hypertension ang isang company driver na natagpuang nakahiga sa kanyang folding bed sa No. 26 H Bautista St., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Kinilala ang biktima na si Rosalio Maghanoy, 58 anyos, binata at company driver.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya susunduin sana ni Rey Abad, 35 anyos at factory worker, ang biktima sa kanyang tinutuluyang bodega para maghatid ng gamot, kung saan sa labas ng gate ay kumakatok siya pero walang sumasagot kaya’t nagpasya nalamang na umakyat sa gate at nang makaapsok na ay ginigising nito ang biktima pero hindi na ito nagising.

Agad na tumawag siya sa Marikina Rescue 161 at sinuri ang katawan ng biktima pero wala na itong buhay.

Napag-alaman sa employer ng biktima na nakaranas umano ito ng sakit na hypertension at nagmi-maintenance.

Sumailalim na sa otopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman ang tunay na sanhi ng kamatayan nito.

Facebook Comments