Isang construction worker, arestado matapos ireklamo ng panggugulpi ng kanyang asawa

96

Manila, Philippines – Arestado ang isang construction worker matapos na ireklamo ng panggugulpi ng kanyang mismong misis sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala.ang suspek na si Dennis Manlangit 40 anyos residente ng Vincent Street Brgy. Holy Spirit, Quezon City


Sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Honorable Judge Roberto Buenaventura ng QC RTC , Branch 86, inaresto si Manlangit sa isang Construction Site sa Loyola Heights Brgy. Pansol QC.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o mas kilala bilang Anti Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

DZXL558, Silvestre Labay

Facebook Comments