Isang construction worker, nahulihan ng iligal na droga sa Marikina City

17

Kalaboso ang isang construction worker matapos na mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa No. 228 Bonifacio St., Brgy. Tañong, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Raymond Ciriaco Abrogar, 29-anyos at isang construction worker.


Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Marikina Philippine National Police (PNP), nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska sa kanya ang tatlong pirasong plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng tatlong gramo at nagkakahalaga ng P20,400.00, at P500 buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments