ISANG DAGUPEÑA NAGPAMALAS NGGALING SA ASIAN YOUTH ORCHESTRA

Matagumpay ang Dagupeñang si Jann Minn Mendoza na mapabilang sa nangungunang international youth orchestra sa Hongkong, matapos makapasa sa awdisyon sa Asian Youth Orchestra kamakailan lamang.
Isa sa magiging miyembro si Mendoza sa viola section kung saan siya ang nag-iisang Filipino violinist sa AYO 2023 Summer Camp and Concert Tour.
Lubos naman ang pagbati at suporta ng ilan sa mga pamilya at kasamahan ni Mendoza sa paghahanda nito sa concert tour sa iba’t ibang bansa tulad ng Singapore, Japan, Hong Kong, Malaysia, Taiwan, Thailand, Germany and Italy.

Nangunguna ang AYO bilang pre-professional orchestra ng Asia para sa advanced learning, pagtatanghal at international concert touring kasama ang mga sikat na artist at conductors.
Samantala, nagagalak naman ang Dagupeña bilang proud Pangasinense at isang representanteng Pinoy na magpapakita ng husay at galing sa larangan ng musika! |ifmnews
Facebook Comments