Isang dalawampu’t dalawang taong gulang na lalaki, nagpakamatay sa Surigao City

97

Surigao City, Philippines – Isang dalawampu’t dalawang taong gulang na lalaki ang nagpakamatay sa Surigao City.

 

Kinilala ang biktima na si Merlou Fedeles Alinsunod, isang driver at nanirahan sa upper Bonotan, Bgy Washington sa lungsod.

 

Ginamit sa pagpapakamatay nito ang lason sa tanim na tinatawag na lanit.

 

Sa salaysay ng live in partner nito na si Jurina Panyanugan, unang nag-away silang dalawa dahil sa selos.

 

Madaling araw kahapon, ginising siya ni Alinsunod at humingi ng tawad sa nagawa at pinatawad naman niya. 

 

Inihayag pa nito na magpapakamatay siya ngunit hindi pinansin ang sinabi ng live-in partner obserbasyon pa ni Panyamugan na ilang beses itong uminom ng tubig at nangisay na at nawalan ng malay, dinala pa nila sa isang ospital ngunit idineklarang namatay ng mga doktor.



Facebook Comments