Isang direktor, pinutakte sa komento nito hinggil sa pagdeklara ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Pinuputakte ngayon ng mga Duterte supporters ang Direktor na si Erik Matti matapos ang pagmumura dito sa lahat umano ng mga bumoto kay Pangulong Duterte noong nakaraang eleksyon.
Hindi malinaw kung ano ang pinagmulan ng naturang post ng direktor sa Twitter at Facebook pero agad namang naghinala ang mga netizens na may kinalaman ito sa pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao.
Hindi ito pinalampas ng mga Duterte supporters at bilang pagganti ay minura rin pabalik ang director at sinabing hindi na nila susuportahan ang mag pelikula nito.
Mababatid na hindi na kasorpre-sorpresa ang naturang post ni Direk Erik dahil noon pa man ay very vocal na ito sa pagkontra kay Pangulong Duterte.
DZXL558

Facebook Comments