Isang doktor at escort nito, pinagbabaril – patay sa Cotabato City

39

Cotobato City, Philippines – Napatay sa insidente ng pamamaril ang nakababatang kapatid ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Health Secretary Kadil Sinolinding Jr, at ang kanyang escort bago mag-alas dose ng tanghali sa Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Dr. Shahid Sinolinding, 36-anyos, at ang kanyang escort na si Muhammad Ismael.

Sa insiyal na imbestigasyon ng Cotabato City PNP, nagpumilit umanong pumasok sa clinic ni Dr. Sinolinding ang suspek kung saan unang binaril ang kanyang escort at pagkatapos ay si Dr. Sinolinding.

Hindi naman inaalis ng pulisya ang alitan ng pamilya bilang motibo sa nasabing insidente.

Facebook Comments