Isang doktora, binaril ng riding-in-tandem sa Cagayan de Oro

Mabilis na dinala sa hospital ang isang doktora matapos binaril ng riding in tandem kagabi sa Yacapin Extension Corner Quirino St. Barangay 35 dito sa syudad ng Cagayan de Oro.
Ang biktima ay nakilalang si Dra. Zaynab Abejuela, 45 anyos, may asawa na taga Gumamela Extension Barangay Carmen.
Nakapagtamo ng sugat sa kaliwang dibdib ang biktima.
Ayon kay SPO1 Niel delas Alas, ang imbestigador ng Cogon Police Station na inaalam pa nila ngayon ang motibo ng kremin.
Pero nakapaglabas na ng cartographic sketch ang kapulisan sa tulong ng mga nakasaksi ng insedente. By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes PC: Anne Jane Duhaylungsod

Facebook Comments