Isang eksperto,pinatotohanan na peke ang peke ang lagda ni dating Pangulong Marcos sa Absolute Pardon ni QC Congressman Crisologo

4045

Pinatunayan ngayon  ng  dating chief  document examiner ng National Bureau of Investigation na peke ang lagda ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa Absolute Pardon ni QC Congressman  Vincent Bingbong Crisologo na kumakandidato ngayon sa pagka alkalde sa QC.

 

Sa pulong balitaan sa QC , sinabi ni  dating NBI official Atty Desiderio Pagui na isa ring kinikilalang handwriting at document expert ng Supreme Court, malaki ang kaibahan sa lagda sa kopya  ni Crisologo  ng umanoy Absolute Pardon nito at sa lagda ni Ginoong Marcos sa ibang opisyal na dokumento


 

Base sa dokumento na nakuha sa malacanang records office, lumilitaw na Conditional Pardon na may petsa na enero 14 1981 ang inisyu at tanging si Crisologo lamang ang may kopya nito.

 

Paliwanag naman ni Atty Socorro Nepumoceno , kung walang lehitimong absolute pardon ang kongresista ,hindi totoong tinanggal ang kanyang sebtensiyang double life imprisonment para sa kaso ng arson at homecide na kinaharap nito noong 1970.

 

Itoy kaugnay  sa panununog ni Crisologo sa  dalawang barangay sa Bantay Ilocos Sur.

 

Noong 1981 nakatanggap siya ng conditional pardon  mula kay dating Pangulong Marcos at Enero 1986 binigyan naman siya ng absolute pardon.

 

Maliban sa sertipikasyon ng malakanyang na wala  silang kopya ng absolute pardon, may paglilinaw din ang Board of Pardons and Parole na wala din silang dokumento ukol dito maliban sa index card na nagsasabing conditional pardon lang ang ibinigay kay Crisologo.

 

Una nang naghain ng petisyon sa Comelec si Ma Sofia lorenza Zamora Para edisqualify si Crisologo sa kanyang kandidatura sa halalan sa Mayo.

Facebook Comments

From Advertisers