ISANG ELECTRIC PROVIDER SA PANGASINAN, MAGRE-REFUND SA MGA CONSUMERS

Magsasagawa ng one-time refund ngayong Pebrero ang isang electric service provider sa Western Pangasinan matapos ang sobrang singil o over-recovery sa kuryente noong nakaraang taon.

Ito ay base sa Energy Regulatory Commission Resolution no. 14 Series of 2022 na naglalayong tiyakin na patas at transparent ang ipinatutupad na electricity rates sa mga konsyumer.

Ayon sa pamunuan ng PANELCO I Electric Cooperative, mayroong sobrang singil ang awtomatikong maibabalik mula June hanggang December 2024 billing dahil sa hindi tugmang halaga na binayaran ng konsyumer kumpara sa aktwal na binayaran ng tanggapan sa mga generation companies at transmission service providers.

Sa ilalim nito, mula sa calculated effective rate na P7. 04 per kilowatt hour sa mga kabahayan ay mababawasan ito sa P4.678/kwh ngayong Pebrero.

Masaya naman ang mga konsyumer sa naturang anunsyo dahil makakabawas umano ito sa bayarin sa kabila ng hindi maiiwasang paggamit ng kuryente.

Binigyang diin naman ng tanggapan na ipapatupad ang naturang calculated rate ngayong Pebrero lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments