Isang empleyado ng BATELEC, patay matapos tambangan sa Batangas

230

Batangas, Philippines -Patay ang isang empleyado ng Batangas Electric Cooperative (BATELEC) matapos tambangan ng riding-in-tandem sa boundary ng Bauan at Alitagtag, Batangas kanina.

Papasok na sa kanyang trabaho ang biktimang si Carlito Marasigan Landicho nang bigla siyang barilin ng mga suspek sa bahagi ng Barangay Muzon.

Naisugod pa sa Bauan District Hospital ang biktima pero idineklara rin itong dead-on-arrival.


Inaalam pa ng pulisya ang motibo at ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa krimen.

Facebook Comments