Isang Empleyado ng Pribadong Kumpanya, Arestado dahil sa Kasong Panggagahasa!

59

*Cauayan City, Isabela-* Naaresto na ng kapulisan ang isang lalaki na mayroong kasong 4 counts rape bandang ala una y medya ngayong hapon, Agosto 7, 2018 sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Julius Ubinay, trentay kwatro anyos, may-asawa, isang empleyado ng pribadong kumpaya at residente ng Brgy. Nagassican, Solana, Cagayan.

Sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, dinakip ng mga otoridad si Ubinay sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Lyliha Abella-Aquino ng RTC Branch 4 Tuguegarao City dahil sa kaso nitong 4 counts na Panggagahasa.

Dinala na sa PNP Cauayan si Ubinay at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang tatlumpu’t anim na libong piso.

Facebook Comments