Isang filipino-American, kasama sa pitong nasawi sa banggaan ng US navy destroyer at ng Philippine-flagged vessel sa Japan

21

Manila, Philippines – Isang filipino-American ang kabilang sa pitong manlalayag na nasawi sa banggaan ng US navy destroyer at ng Philippine-flagged vessel sa Yokosuka, Japan noong Sabado.

Kinilala ito na si Fire Controlman 2nd Class Carlos Victor Ganzon Sibayan, 23-anyos.

Si Sibayan ay residente ng Chula Vista, California pero base sa kanyang facebook account, nanggaling siya sa Pasay City.

Nabatid na lahat ng nasawi sa insidente ay mga crew ng USS Fitzgerald.

Facebook Comments