Isang football team, kinulayan ng ginto ang kanilang stadium para makakuha ng swerte

China – Isang football team ang nag-isip ngayon ng paraan para matanggal ang kanilang malas at makuha ang panalo kontra sa kanilang mga nakakalaban.

Kinulayan ng management ng Guangzhou R&F Football Club ang kanilang stadium ng ginto kung saan naniniwala sila na swerte ang hatid nito.

Nabatid kasi na magmula ng simulan ang liga ay nakakakuha pa lamang sila ng isang panalo kaya’t nang marinig nila ang payo ng isang fengshui expert na palitan ang asul na stadium ng kulay ginto.


Dahil dito, naka-apat na sunod na panalo ang nasabing koponan sa mismong stadium nila at umaasa silang magtuloy-tuloy ang panalo ay makuha ang kampeonato.

Facebook Comments