
Sinampahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1564, o ang Solicitation Permit Law ang isinampa ng ahensiya laban sa mga may-ari ng Simplyshare Foundation Inc.
Ito ay dahil sa panghihingi ng cash at relief goods ng foundation na nakabase sa Cebu City nang walang kaukulang permit.
Ayon sa DSWD na kabilang sa sinampahan ng reklamo sa Cebu City Prosecutor’s Office ay sina Pamela Baricuarto at Elisse Nicole Catalan, ang Founder at Executive Director ng Simplyshare Foundation.
Dahil dito ay hinikayat ng DSWD ang publiko na siguraduhin ang legitimacy ng mga organisasyon bago mag-donate.
Pwede anilang tingnan ang Kaagapay Donations portal ng DSWD upang malaman kung ang napiling foundation ay mayroong Public Solicitation Permit.
Matatandaan na noong nakalipas na September 2024 ay una nang ipinatigil ng DSWD ang operasyon ng Children’s Joy Foundation Inc, isa sa mga organisasyon na itinatag ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil din sa kawalan ng permit.