Isang Ginang, Nadismaya sa Hindi Pagtanggap ng SAP!

Cauayan City, Isabela- Ikinalungkot ng isang ginang matapos itong hindi makatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa eksklusibong panayam kay Ginang Elvira Graho, mistulang hindi maipinta ang kanyang karanasan dahil hindi nito nakuha ang sana’y ayuda para sa kanyang pamilya.

Dagdag pa niya, umuwi ito ng kaniyang tahanan na halos maluha-luha habang naglalakad na may kalayuan mula sa lugar na pinagdausan ng pamamahagi ng ayuda.


Giit niya, may anak siya na nagtatrabaho sa kalakhang Maynila at mag-isa nitong binubuhay ang sarili at hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda sa ilalim ng CAMP ng Department of Labor and Employment.

Kaugnay nito, mag isa lang na namumuhay ang Ginang at umaasa na lamang sa relief goods na ipinapamigay ng Lokal na Pamahalaan para sa kanyang pang araw-araw.

Sa ngayon ay plano nitong personal na magtungo sa City Social Welfare and Development para tanungin ang kanyang naging sitwasyon matapos na hindi matanggap ang ayuda.

Nakatakdang magbigay din ng halagang P2,500 ang Lokal na Pamahalaan para naman sa mga hindi mabibigyan ng ayuda sa nasabing programa.

Facebook Comments