Isang ginang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Marikina City 

54

Masusing inaalam ngayon ng mga tauhan ng Marikina Police Station kung ano ang sanhi ng kamatayan ng isang ginang na natagpuang wala nang buhay sa Block 48 Vergara St., Brgy. Tumana, Marikina City.

Kinilala ang biktima na si Rosalyn Castillo, 47 anyos.


Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima na si Rolando Castillo, 53 anyos, kumain umano ang biktima kasama ang kanyang pamilya kagabi sa Block 25 Singkamas St., Brgy. Tumana, Marikina City.

Umalis mag-isa ang biktima at iniwan ang kanyang anak at nang dumating sa kanilang bahay kagabing 10:30 ay uminom ng isang basong tubig maya’t maya’y nakaramdam na ng pagsusuka kaya’t agad tumawag sila ng ambulance Rescue 161. Sa pangunguna ni Ronnie Lazana, pagdating sa bahay ay agad sinuri ang biktima pero wala na itong buhay.

Inimbestigahan din ito ng Marikina SOCO sa pangunguna ni  P/Lt. Cheer  Navarra at walang nakitang sugat sa katawan ng biktima at hindi pa mabatid ang sanhi ng kamatayan nito.

Facebook Comments

From Advertisers