Isang ginang, patay tapos barilin ng riding-in-tandem sa Misamis Oriental

156

Wala pang pagkaka kilanlan ang isang ginang na namatay tapos pagbabarilin kahapon sa munisipyo ng Opol, Misamis Oriental.

Ayon kay Police Lieutenant (PLT) Jemine Bagas, ang Deputy Commander ng Opol Municipal Police Station na bandang alas 12 ng tanghali kahapon na marinig ng isang nangangahoy ang 3 putok ng baril at dali namang tumakas ang hinihinalang gunman na sakay ng motorsiklo.

Matapos nito, tumamabad ang bangkay ng isang babae na hinihinalang may edad na 50 hanggang 60 taong gulang ngunit walang pagkakakilanlan.


Nagtamo ito ng tama sa kaniyang mukha, dibdib at tagiliran.

Nangyari ang insidente sa Sitio Kamingawan Brgy. Patag Opol Misamis Oriental kung saan may mga namamataang rebelde

Facebook Comments