Isang grade 8 student, patay matapos uminom ng lason sa Pangasinan

39

Manila, Philippines – Patay ang isang babaeng grade 8 student matapos uminom ng lason sa Barangay Sanlibo sa Bayambang, Pangasinan.

Batay sa report, dinala sa ospital si Rochelle Jane Asuncion, 15-anyos matapos makaramdam ng sakit sa ulo at pagsusuka pero binawian din ng buhay.

Bago umano mamatay ang babae ay pinagsabihan ito ng kanyang ama dahil sa hindi magandang ikinikilos nito.

Hindi lingid sa kaalaman ng ama na may pinagdadaanan ang kanyang anak na natuklasan lamang nang palitan ito ng damit.

Pinaniniwalaang ginahasa ang dalagita at ipinalalagay na dahil sa krimen kaya niya nagawang lasunin ang sarili.
Nation

Facebook Comments