Isang guardya nahulihan ng ilegal na droga sa Quezon City

Kalaboso ang isang guardya matapos na mahulihan ng ilegal na droga sa Barangay West Fairview, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Michelle Nuevarez, 36 anyos, security guard, at residente ng Republic Avenue, Barangay West Fairview, Quezon City.

Ayon kay Police Corporal Javis Vergara ng Police Station-9, Quezon City, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga operatiba ng Quezon City Police District sa Baluyot Avenue, Barangay Krus Na Ligas, Quezon City nang maispatan ang guardya at nang sitahin nakuha sa kanyang pag-iingat ang 5 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments