Isang guro pinagbabaril patay sa Parang Maguindanao

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang dalawang magkapatid na sinasabing responsable sa pagbaril at pagpatay sa kanilang stepmother na ikalawang asawa ng kanilang ama na kasalukuyang Barangay Chairman ng Tukamaror, Bongo island sa bayan ng Parang Maguindanao. Kinilala ang dalawang suspect na sina Sammy Aragasi 26 at Diding Aragasi 24 anyos.
Batay sa pahayag ni Police Chief Inspector Erwin Tabora, hepe ng Parang PNP, nangyari ang insidente Lunes ng gabi sa nabanggit na lugar kung saan ay pinagbabaril ang biktimang si Hadiyah Lunggi Aragasi , isang guro sa Bonggo Island gamit ang M16 armalite rifle. Bago ang insidente ay meron umanong natatanggap na negatibong mensahe ang gurong si Hadiyah mula sa hindi nagpakilalang texter hanggang sa itoy madiskubre na galing pala ito sa kanyang step daughter.
Dahil dito ay sinaktan ng ama ang anak na babae na siyang itinuturong dahilan kung bakit nagalit ang mga kapatid nitong lalaki at sinugod ang kanilang stepmother hanggang sa pagbabarilin at mapatay.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ang dalawang suspect at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments