Isang hinihinalaang drug pusher, arestado sa Mandaluyong City

Kalaboso ang isang hinihinalaang tulak sa iligal na droga matapos na maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Bliss Compound, Rose St., Brgy Hulo, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Leandro Reyes, 47 anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.


Narekober sa suspek ang 4.3 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱29,240 at ₱1,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments