Isang hinihinalang holdaper, patay matapos manlaban sa mga otoridad

72

Manila, Philippines – Patay agad ang isang hinihinalang holdaper matapos manlaban sa mga otoridad sa lungsod ng Maynila.

Inaalam pa rin ng Manila Police District ang pagkakakilanlan ng suspek na nakasuot ng kulay itim na hood, short pants na blue at tsinelas.

Nangholdap ang suspek sa isang lugar sa San Marcelino at mabilis na tumakas makaraang isagawa ang krimen.


Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay sa suspek sa likod ng Post Office sa Lawton sa nabanggit na lungsod.

Nakuha ng SOCO mula sa napatay na suspek ang ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Facebook Comments