Isang holdaper, arestado matapos holdapin ang isang service crew sa Pasig City

85

Kalaboso ang isang holdaper matapos na holdapin ang isang service crew sa tapat ng MFI Building Footbridge Ortigas Ave. Brgy. Ugong, Pasig City.

Arestado ang suspek na si Jimmy Saligbon, 47-anyos, makaraang holdapin nito si Mary Joy Melliza, 22-anyos, isang service crew.


Batay sa imbestigasyon ng Pasig-Philippine National Police (PNP), habang naglalakad ang biktima sa naturang lugar bigla siyang nilapitan ng suspek at pinagsusuntok ang kanyang mukha at sikmura at pilit na kinukuha ang kanyang handbag at nang makuha na ay agad na tumakas patungo sa direksyon ng Lanuza Avenue.

Hindi nawalan ng pag-asa ang biktima, nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga nagpapatrolyang pulis kaya’t hinabol ang suspek hanggang sa ito’y maabutan.

Na-recover sa suspek ang isang 1 cal. 22 pistol na may apat na bala, handbag na naglalaman ng pera at mahahalagang dokumento.

Facebook Comments