Isang hotel sa Makati City, ginawang Isolation Building para sa COVID-19

68

Ginawang isolation building ng Makati City Government ang isang hotel sa kanilang Lungsod.

Ito ay ang Makati Friendship Suites sa Barangay Cembo, na mayroong limang palapag na kayang tumanggap hanggang isang daang pasyente.


Nilagyan ito ng medical equipment gaya ng X-ray machines, defibrillators, at cardiac monitors.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang nasabing isolation building ay para lamang sa mga Persons Under Investigation (PUI) o mga residente na mayroong sintomas kaugnay sa nasabing virus tulad ng ubo, sipon at hirap sa paghinga.

Mga doctor at nurse mula Ospital ng Makati (OsMak) ang titingin sa mga pasyente na ipapasok sa Friendship Suites.

Ang Lungsod ng Makati ay mayroon ng 31 na kaso ng COVID-19 at pumalo na sa 266 ang Persons Under Investigation (PUI) mula sa huling bilang na 217 noong Lunes, March 23.

Facebook Comments