Isang house helper, arestado matapos martilyuhin ang limang magkakamag-anak sa Valenzuela City

Manila, Philippines – Arestado ang isang house helper matapos nitong martilyuhin at paghahampasin ng bara de kabra ang limang magkakamag-anak sa 58 market side sa Marulas District, Valenzuela City.

Bago ang pag-atake, pinagnanakaw ng houseboy na si Ronnie Ralla, 26-anyos, ang mga gamit at pera ng mga biktima habang mahimbing na natutulog ang mga ito.

Ayon sa isa sa mga biktima na hindi pinangalanan, isang buwan pa lamang na namamasukan sa kanila ang suspek.


Aniya, kinuha noon ni ralla ang P2, 000 cash, atm at credit cards, at mobile phones.

Mabuti na lamang aniya mga sugat lamang ang natamo ng mga magkakamag-anak.

Depensa ng suspek, kinailangan lang niya ng pera dahil hindi sumakto ang binali niyang pera sa kaniyang amo para sa gamot ng kaniyang ina.

Dahil dito, nahaharap sa kasong 2 counts of frustrated murder, serious physical injuries at robbery ang suspek.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa sa ospital ang mga biktimang nasugatan.

DZXL558

Facebook Comments