Isang Hukom mula sa Compostela Valley Province, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema sa pagdadaos ng birthday party sa kasagsagan ng ECQ

124

Pinadalhan ng Korte Suprema ng show cause order si Nabunturan, Compostela Valley Regional Trial Court (RTC) branch 3 Judge Cresencia dela Cruz-Cruz.

Kasunod ito ng natanggap na report ng Supreme Court na nagdaos ng birthday party si Judge Cruz kasama ang mga staff nya sa korte sa kasagsagan ng COVID pandemic na paglabag sa quarantine guidelines.


Ayon sa Korte Suprema, pinagpapaliwanag nila si Judge Cruz dahil sa pagdadaos ng buffet sa kanya mismong chamber para sa court staff kung saan maaaring nalabag ang social distancing.

Binigyan naman ng korte ang Office of the Court Admininstrator ng 15 araw para alamin kung may mga nagawang paglabag ang hukom at mga staff nito.

Facebook Comments