Isang indibidwal, patay matapos malaglag sa building sa Maynila

Hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang indibidwal na nahulog mula sa Victoria de Manila II Condo sa Maynila.

Ang nasabing babae ay may taas na 5’2″ hanggang 5’3″, nakasuot ng maong pants at manipis na damit pang-itaas.

Sa paunang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), may nakitang bag sa ika-14 na palapag pero hindi pa matukoy kung pag-aari ito ng biktima.


Nabatid na hirap tukuyin ang biktima dahil sa naging itsura nito matapos malaglag sa nasabing building.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang inaalam na rin kung sino ang nakasama nito o kung mag-isa lamang ng mangyari ang insidente.

Facebook Comments