Isang jeepney driver, patay matapos barilin ng pulis na nakasagian nito sa Antipolo

134

Manila, Philippines – Patay ang isang jeepney driver habang sugatan naman ang isang bata matapos mamaril ang isang pulis dahil sa away-trapiko sa Marcos Highway sa Antipolo, Rizal.

Nagsimula ang insidente nang masagi ng jeep ni Petrolino Fernando ang motorsiklong minananeho ni PO2 Ronald Pentacasi, na naka-assign sa station 7 sa Manggahan, Pasig.


Nabatid na kinausap pa ng jeepney driver ang pulis para makipag-areglo subalit sa hindi malamang dahilan ay pinaputukan siya ng tatlong beses na agad nitong ikinasawi.

Isang batang nakatambay sa lugar ang natamaan ng ligaw na bala na kasalukuyang ginagamot sa Antipolo District Hospital.

Patuloy naman pinaghahanap ang suspek na pulis na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

DZXL558




Facebook Comments