Isang kadete ng PMA, patay matapos malunod sa swimming pool

Kinumpirma ng Philippine Military Academy (PMA) ang pagkamatay ng isang kadete matapos malunod sa swimming pool.

Kinilala ang biktima na si Cadet 4th class Mario Telan Jr.

Ayon sa PMA, pumasok sa kanilang swimming class si Telan pero hindi na ito nakita sa mga sumunod na klase kaya siya hinanap ng mga upper classmen.


Natagpuan na lamang ang biktima sa ilalim ng pool na may lalim na 15-talampakan.

Sinubukan pa siyang i-revive at isugod sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Ayon kay Capt. Sheryl Tindog, ang tagapagsalita ng PMA –  nakikipag-ugnayan na sila sa mga kamag-aral at iba pang nakasalamuha ni Telan.

Ayon kay Baguio City Chief of Police, Col. Allen Rae Co – iniimbestigahan na nila ang insidente.

Binubusisi na ang mga kuha ng CCTV sa lugar.

Sa ngayon, kinansela muna ang lahat ng swimming classes sa akademiya.

Facebook Comments