Isang kagawad ng barangay sa Cagayan De Oro at dalawa nitong kasamahan, huli sa buy bust operation

175

Cagayan De Oro, Philippines – Kinasuhan na ng Lumbia Police Station ang isang kagawad sa barangay San Simon sa siyudad ng Cagayan De Oro, kasali na ang dalawa nitong kasama, matapos madakip sa ginawang buy bust operation.

Matatandaan na nakilala ang mga nadakip na sina San Simon Barangay Kagawad Jaylord Cabulay, Marc Jim Decena at John Marsigan ng Grand Europa Subdivision Barangay Lumbia.


Dahil dito, kasong paglabag ng Republic Act 9165, ang haharaping kaso ng tatlong suspetsado, kung saan nakuha mula sa kanila ang 70 thousand pesos na halaga ng shabu.

DZXL558

Facebook Comments