Isang kahon na iniwan sa gilid ng kalsada, nagdulot naman ng tensyon at takot sa mga pasahero at residente sa NIA road

61

Manila, Philippines – Nagdulot naman ng tensyon at takot sa mga pasahero at residente sa NIA road kanto ng Edsa sa Quezon City ang isang kahon na iniwan sa gilid ng kalsada.

Agad na nagtungo ang Explosive and Ordnance Disposal (EOD) team ng Quezon City Police District para suriin ang nasabing kahon.


Isinara din ang isang lane ng kalsada para sa mga motorista at kinordon ang lugar habang tinitignan ang kahon ng mga otoridad.

Matapos ang ilang minuto, napag-alaman na bangkay ng isang aso ang nasa loob nito kaya’t agad na bumalik sa normal ang lahat kung saan inaalam na din kung sino ang nag-iwan nito sa nasabing lugar.

DZXL558

Facebook Comments