Isang kandidata sa Miss International Queen Philippines 2021, nais magsilbing inspirasyon para sa LGBT community

62

Ibinahagi ng isang kandidata ang kaniyang pangarap kung papalaring maging susunod na Miss International Queen Philippines 2021.

Sa interview ng Laughter is the Best Magazine Show, sinabi ng pambato ng Makati City na si Pau Gutierrez na bilang isang trans Pinay queen ay nais niyang magsilbing inspirasyon para sa mga nasa LGBTQ community para huwag sumuko na abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Kwento pa ni Gutierrez, isang suntok sa buwan noon ang kaniyang pagsali sa Miss International Queen Philippines lalo na’t nasa 200 silang naglaban-laban para makuha ang isang korona.


samantala, ang mananalo sa nasabing pageant ay kakatawan para sa Pilipinas sa Miss International Queen sa susunod na taon na gaganapin sa Thailand.

Facebook Comments