Isang kotse, bumagsak mula sa ikalawang palapag ng Philippine Ports Authority

181

Isang 61 taong gulang na lalaki ang nasugatan matapos na bumagsak mula sa ikalawang palapag ng Philippine Ports Authority sa Port Area, Maynila ang government vehicle na kanyang minamaneho.

Ang naturang sasakyan ay bumagsak sa isa pang nakaparadang sasakyan.

Agad na sinugod sa pagamutan ang biktimang si Claudio Tagaan ng Simoun Satimar Village, Talon Dos, Pulang Lupa, Las Piñas City, matapos itong magtamo ng mga sugat sa mukha at braso dahil sa mga nabasag na salamin.

Batay sa imbestigasyon, lumagpas ang Toyota Innova sa concrete stopper ng parking area at umarangkada ito hanggang sa mahulog.

Maswerte namang walang tao sa loob ang nabagsakan nitong Isuzu Alterra.

Facebook Comments