
Hindi sapat na suspendihin lang ng Department of Transportation (DOTr) ang cashless toll collection system sa mga motorista na may mababang kita.
Ayon sa Nagkaisa Labor Coalition, bagama’t itinuring nilang tagumpay sa kanilang adbokasiya ang mabilis na aksyon ni Secretary Vince Dizon kontra sa cashless toll policy.
Kinakailangang magpakita si Dizon ng aksyon na higit na magpaluluwag sa pasanin ng mga manggagawa at komyuter.
Ito’y kung ipatitigil din ng DOTr ang taas sa pasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1 at pampasaherong jeepney.
Giit ng grupo, malaking ginhawa ito sa hanay ng mga manggagawa lalo pa’t wala pang pambansang taas sahod.
Ayon sa Nagkaisa, sa harap ng epekto ng mataas na presyo ng bilihin, dapat nang aprubahan ang ₱200 nationwide wage hike at idadagdag sa kasalukuyang regional wage.