Isang lalaki, arestado dahil sa panggagahasa sa Pateros 

40

Arestado ang isang delivery boy sa bayan ng Pateros matapos itong ireklamo ng umano’y panggagahasa sa isang 19-anyos na dalaga. 

Nakilala ang suspek na si Jay Supas Rosal, alyas “Dodong,” 27-anyos, nakatira sa nasabing bayan. 

Batay sa report ng Pateros Philippine National Police (PNP), pasado alas-5:00 kahapon ng hapon nang mangyari ang umano’y panghahalay sa biktima sa #51 P Rosales St. Brgy. Santa Ana Pateros Metro Manila. 

Kwento ng biktima, ikinulong siya sa kwarto ng suspek at doon nangyari ang masamang balak sa kaniya. 

Nang malaman ito ng kanilang amo na si Fatima Blanco, agad naman itong tumawag sa police station ng Pateros pasado alas-8:00 kagabi. 

Positibo namang kinilala ng biktima ang suspek kaya naman agad itong hinuli. 

Nakakulong na ang suspek sa Pateros PNP at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997. 




Facebook Comments