Isang lalaki, arestado matapos magnakaw ng bisikleta sa Maynila

39

Kalaboso ang isang lalaki matapos masakote ng pulisya makaraang magnakaw ng bisikleta sa Malate, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Eric Bedonio, 40-anyos at residente ng Mayon St., Bulkan, Punta, Sta Ana Manila.


Sa imbestigasyon, bibili ng damit ang 16-anyos na biktima kasama ang pinsan nito sa Taal St., corner P. Ocampo St., Malate kung saan kaniyang ikinadena ang pag-aaari nitong bisikleta na nagkakahalaga ng P12,000.00.

Laking gulat na lamang ng biktima nang mahuli sa akto ang suspek na pinutol ang kadena gamit ang bolt cutter kaya’t nagsisigaw ito.

Agad na sinakyan ng suspek ang bisikleta saka mabilis na pinatakbo subalit natiyempuhan naman siya ng nagpa-patrolyang mga pulis.

Nabawi naman ng biktima ang kaniyang bisikleta kung saan nanawagan naman ang Malate Police Station sa ibang nanakawan ng bisikleta na magtungo sa kanila at baka makilala nila ang naarestong si Bedonio.




Facebook Comments