Isang lalaki, arestado sa ilegal na droga sa Las Piñas City

31

Kalaboso ang isang lalaki matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City.

Nakilala ang nadakip na si Regie Recio, 46-anyos, walang trabaho at residente ng Camia Street, T.S. Cruz Subdivision sa nasabing barangay.


Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng tip na patuloy na nagbebenta ng ilegal na droga si Recio, partikular tuwing umaga hanggang hapon para iwas huli.

Isang poseur buyer ang nakabili ng ilegal na droga kay Recio sa halagang ₱500.

Matapos nito, inaresto si Recio sa tapat ng bahay nito kung saan nakuha sa kaniya ang nasa tatlong sachet ng shabu na may bigat ng halos anim na gramo at nagkakahalaga ng ₱40,800.

Agad na dinala sa Las Piñas District Hospital si Recio para isailalim muna sa medical check-up saka idiniretso sa piitan ng Las Piñas City Police.

Facebook Comments