Isang lalaki, arestado sa iligal na droga sa San Andres Bukid sa Maynila

56

Arestado ang isang lalaki na kilalang tulak ng iligal na droga sa San Andres Bukid sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Alduwine Macapobre, 26-anyos at residente ng Onyx Street sa San Andrea Bukid.

Nakumpiska kay Alduwine ang dalawang sachet ng shabu na may bigat ng halos isang gramo at nagkakahalaga ng ₱6,800.00.


Bukod sa suspek, inaresto rin ang dalawang kasama nitong babae na sina Angela Atienza at Jessica Atienza dahil sa pakikialam sa operasyon ng mga pulis.

Nabatid na pinipigilan ng dalawang babae ang pag-aresto ng mga awtoridad kay Alduwine kaya’t sinampahan sila ng kasong obstruction of justice.

Facebook Comments