Isang lalaki, arestado sa kakaibang style ng pagbebenta ng shabu sa mega Q-Mart sa Quezon City

118

Manila, Philippines – Isang kakaibang style ng pagbebenta ng droga ang nabisto ng mga operatiba ng Quezon City Police District station 7 sa Mega Q-Mart, Anapolis kanto ng Ermin Garcia Street.

Ibinabalot kasi ng suspek na si Jam Benasing ang shabu sa loob ng chewing gum at ibinebenta niya ito sa halagang P500.00.


Aminado naman ang suspek na nagbebenta ito ng iligal na droga dahil maliit lamang daw ang kinikita nito sa pagtitinda ng mga pirated DVD.

Napag-alaman pa na mga driver at trabahador ng palengke ang parokyano ng suspek kung saan inaalam na din kung saan ito nakakakuha ng mga iligal na droga.

DZXL558

Facebook Comments