Isang lalaki, arestado sa pagnanakaw sa Pasay City

20

Kalaboso ang isang lalaki matapos pagnakawan ang pinapasukan nitong tindahan sa Double Dragon Plaza, Macapagal Boulevard, Brgy. 76 Zone 10, Pasay City.

Nakilala ang nadakip na si Agustin Diva, residente ng Villamor, Brgy. 183, Pasay City.


Reklamo ng store manager ng healthy lifestyle boutique na si Armaine See, tinangkang ipuslit ng suspek ang apat na electric shaver na nagkakahalga ng ₱1,600.

Mabuti na lang at naharang ng guwardyang si Aira Vi Marie Cortes ang suspek bago pa ito makatakbo bitbit ang nasabing electric shaver.

Pagsapit sa presinto, inamin ng suspek ang ginawang pagnanakaw saka sinabing nagawa lamang ang krimen dahil sa kapos sa pera lalo na’t higit dalawang buwan din siyang hindi nakapasok dahil sa ipinatupad na community quarantine bunsod na rin ng banta ng COVID-19.

Facebook Comments