Isang lalaki, arestado sa panghahalay sa kaniyang step daughter sa Parañaque City

264

Manila, Philippines – Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng panghahalay sa kaniyang 12-anyos na babaeng anak-anakan sa brgy bf homes, parañaque city.

Ayon sa biktimang hindi pinangalanan, sinimulan siyang halayin ng amain noong 10-anyos pa lang siya.


Aniya, ginagamit na panakot ng suspek na papatayin nito ang kaniyang ina kung hindi ito papayag sa kaniyang kagustuhan.

Ayon sa residenteng si Gaudenia Carmona, humingi ng tulong ang nakababatang kapatid ng biktima sa kanila kaya nagsumbong sila sa barangay.

Sinabi naman ni Brgy. Bf Homes, Kagawad Rey Casanova, isinasara ng suspek ang kanilang bahay kapag wala ang ina ng mga bata at saka nito pinipilit ang biktima.

Pero sa kabila ng reklamo, nakipagtalo pa sa barangay ang ina ng biktima dahil hindi siya kumbinsido na inaabuso ng kaniyang kinakasama ang kanyang anak.




Mariin din itinanggi ng suspek ang paratang ng dalagita.

Nabatid na dati nang naghiwalay ang suspek at ang ina ng bata nang minsan ding halikan ng lalaki ang biktima.

Ipinatawag naman ng barangay ang tunay na ama ng biktima na desididong sampahan ng kaso ang suspek.
DZXL558

Facebook Comments