Isang lalaki, binaril at pinatay sa Surigao City

Surigao, Philippines – Binaril at namatay ang isang tatlumpu’t dalawang taong gulang na lalaki ng riding in tandem sa barangay Rizal, Surigao City.

 

Kinilala ang biktima na si Chavit Frias Bate, construction helper at naninirahan sa barangay San Roque sa lungsod.

 

Sa sumbong ng mga nakasaksi, nakipag-inuman si Bate sa loob ng videokehan nang biglang pumasok ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at tatlong beses na nagpaputok ng baril na tumama sa ulo ng biktima.

 

Matapos ang krimen ay kaagad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

 

Isa namang kasamahan na nagsilbing look-out sa labas.



Facebook Comments