Isang lalaki na sinita dahil walang suot na face mask, arestado dahil sa ilegal na droga

52

Kulungan ang basak ng isang lalaking residente ng Taguig matapos itong makuhanan ng ilegal na droga.

Nakilala ang suspek na si Yasse Dalus Alap, 29-anyos, isang tricyle driver at nakatira sa Barangay Central Signal.


Nakuha mula sa kanya ang walong grams na hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P5,440.

Batay sa ulat ng Taguig PNP, sinita nila ang suspek dahil walang suot na face mask pasado ala-1:45 ng hapon kahapon sa kahabaan ng Mamali St., New Lower Bicutan ng nasabing lungsod.

Pero, tumakbo umano ito at agad naman nakorner ng mga pulis.

Nang kapkapan nila ang suspek doon nila nakuha ang dala nitong umano’y shabu.




Nakakulong na ang suspek sa Taguig PNP Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabad sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments