Isang lalaki, nasawi makaraang barilin sa Maynila

40

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaking nasawi makaraang barilin ng hindi pa rin nakikilalang salarin.

Base sa report ng Baseco Police Station, naganap ang shooting Incident sa bahagi ng rail road malapit sa kanto ng 12th St. Port Area Manila na sakop ng Brgy. 650, Zone 68.

Ang hindi pa nakikilang biktima na dead on the spot ay tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos, nakasuot ng puting t-shirt at black na shorts.

Matapos isagawa ang krimen ay agad namang tumakas ang salarin.

Facebook Comments