Isang lalaki patay, habang isa sugatan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Pasig City

228

Pasig City – Patay agad ang isang lalaki habang kritikal ang kasamahan nito na umanoy nasa mga drug watchlist ng PNP matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang mga salarin sa loob ng kanilang bahay sa Dr. Pilapil St. Brgy. San Miguel Pasig City.

Kinilala ang napatay na si Ramil Enriquez, 43 anyos habang nasa kritikal naman si Jake Pisarada, 20 anyos.

Ayon kay Pasig City Police Station Commander P/ Sr. Supt. Orlando Yebra nasa drug watchlist sa barangay at PNP ang dalawang nabaril.


Napag-alaman sa imbestigasyon, na habang nasa ikalawang palapag ng bahay ang mga biktima nagpapahinga nang pasukin at pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala baril, hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Blangko pa rin ang mga awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.



Facebook Comments