Isang lalaki pinagbabaril patay sa Maynila

137

Patay kaagad ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng sinasabing riding in tandem sa Taft Avenue sa Malate Maynila.

 

Nakilala ang biktima batay sa nakitang ID sa kanyang backpac na si Frederick Rael kung saan nakasuot ito ng maroon t-shirt, naka shorts at rubber shoes, may sumbrero ding suot ang biktima  at puno ng tattoo ang katawan nito.


 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng MPD Homicide Section, tatlong putok ng baril ang narinig nila hanggang sa bumulagta nalang ang biktima kung saan nagtamo si Rael ng tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at dinala na sa Archangel Funeral Parlor ang bangkay ng biktima.

 

Masusing inaalam ngayon ng mga tauhan ng MPD Homicide Section ng MPD  kung nakuhanan ng CCTV ang pamamaril sa tapat mismo ng Philippine Women’s University.

Facebook Comments

From Advertisers